Biyernes, Agosto 14, 2009

Dalanging Taizé (Hulyo 2009)

AWITIN
Liwanag ng Buong Mundo, Halina Hesus Halina (15)
Holy Spirit Come to Us (21)

SALMO
Awit 105: 1-7
Tugon: Alleluia 7
Dapat na si Yahweh, itong Panginoon, ay pasalamatan, ang Kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.

Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay.

Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang Kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya.

Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, Siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.

Ating gunitain ang kahanga-hanga Niyang mga gawa, ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala.

Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham, gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.

Ang Diyos na si Yahweh ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos, sa Kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

PAGBASA MULA SA BANAL NA KASULATAN
1 Samuel 2: 1-4
Ganito ang naging panalangin ni Ana:

"Pinupuri kita, Yahweh dahil sa iyong kaloob sa akin. Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan, sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan.

"Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.

Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh, walang maaaring maghambog, sapagkat alam mo ang lahat ng bagay, Ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.

Ginapi mo ang mga makapangyarihan, at pinapalakas ninyo ang mahihina.

AWITIN
Jesus Remeber Me (25)

KATAHIMIKAN

PANALANGIN NG BAYAN
Panginoon Maawa Ka (37)

AMA NAMIN
Ama Namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at ihadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

AWITIN
Purihin ang Ating Diyos (10)
I Shall See the Goodness of the Lord (17)
Sa Diyos Magpapasalamat (5)

PANALANGIN NG PAGTATAPOS
Diyos aming Ama, ipinadala Ninyo ang Iyong Anak upang gumawa sa amin ng isang bagong paglikha at bigyan kami ng masaganang buhay. Hinihiling po namin na makita si Hesus upang magampanan ang Kanyang tawag para sa amin bilang asin at ilaw para sa daigdig. Ibuhos nawa ang Iyong Kaluluwa sa amin at patnubayan ang aming mga mata upang makita namin, aming mga tainga upang mapakinggan namin, aming mga kamay upang mapaglingkuran namin, aming bibig upang purihin Ka namin, aming mga puso upang kami'y magmahal, at aming mga paa upang magpatuloy namin sa paglalakad sa Iyong mga daan bilang mga manlalakbay sa banal na pook na dumarating upang sambahin ang Iyong Anak. Kami ay humihingi sa pamamagitan ni Panginoong Hesukristo, na nabubuhay at umiiral kasama Kayo at ang Banal na Espiritu, Diyos na magpakailanman. Amen.

AWITIN
Huwag Maligalig, Huwag Kang Matakot (6)
Magnificat canon (19)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento